16 AUG 2023 NUTRITION AND WELLNESS 2 MINS READ 891 VIEWS

BodyKey™ Stories: Bitter Trials, Sweet Triumphs

WORDS BY JOYCE GEALON, AS TOLD TO RENZNEIL ROBLES

_BK_In-article_Joyce.png


Sumali ako sa BodyKey™ Shake It Up program na ang motivation ko is to have a healthier body. Higit doon, gusto ko ring mag-improve ang self-confidence ko.

Meron kasi akong birth control implant for family planning. Ang side effects sa’kin bukod sa pagkakaroon ng breakout ay ang pagtaba. Although it started four years ago pa, pero nang ma-trigger ang weight gain ko, hindi ko na-maintain kaya lumala lang ang effect nito habang tumatagal.

I realized that I must take action nang makita ko ang naging changes sa body ko while looking at my old photos. Hindi na rin nagkasya ang mga dati kong damit sa akin at naging madali na akong hingalin. Nang malinaw na sa akin ang problema, tinanggap ko nang I need a healthier lifestyle.

At first, it was difficult fitting in as a pilot tester ng BodyKey™ because ‘food is life’ para sa akin. Wala rin akong idea kung anong mga dapat kong gawin para ma-achieve ‘yong wellness goal ko. Pero sa tulong ng BodyKey™ Meal Replacement Shake at ng Amway, paunti-unti ay naka-adjust ako sa process. Nagtuloy-tuloy din ‘yong dapat matagal ko nang ginawa para mapabuti ang lifestyle ko.

Sa three months ng weight loss program, nagulat ang mga kaibigan at pamilya ko dahil ang laki raw ng pinayat ko. Mula sa pwedeng mapagkamalang buntis, ngayon ay mas na fit na raw. From 78.1 kilograms to 60 kg, kasya na ulit sa’kin ang mga clothes na matagal ko nang hindi nagagamit.

Sa tuwing makikita ko ang mga before-and-after pictures ko, naalala ko lagi ang pinanggalingan kong journey. Masaya sa pakiramdam kasi meron pala akong disiplina para makuha ‘yung results na gusto ko. At syempre, proud ding kinaya ko ang challenge hindi lang para sa sarili ko, pero para rin sa pamilya ko.”